LALAKI, NASAWI SA BANGGAAN NG DALAWANG SASAKYAN SA PANGASINAN

Nasawi ang isang lalaki habang sugatan ang isa pa sa naganap na salpukan ng motorsiklo at tricycle sa kahabaan ng Binalonan-San Manuel road sa Brgy. San Felipe Sur, Binalonan, Pangasinan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ng 54 anyos na lalaki sakay ng kanyang motor ang nasabing kakalsadahan, habang ang 19 anyos naman na lalaki na sakay ng kanyang tricycle, bigla na lamang lumiko umano ang tricycle at napunta sa kabilang linya.

Dito na ito bumangga sa motorsiklo.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ang dalawa na agad namang naisugod sa pagamutan, subalit idineklarang dead-on-arrival ang tricycle driver.

Napag-alaman ding walang driver’s license ang dalawang nasangkot sa aksidente.

Parehong nasira ang mga sasakyan at ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya para sa karagdagang imbestigasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments