Binata, Natagpuan na Walang Buhay sa Kakahuyan

175

Cauayan City, Isabela- Natagpuan na wala nang buhay ang isang binata na nakabigti ang sa isang kakahuyan bandang 1:30 kahapon sa Brgy. Bessang, Allacapan, Cagayan.

Nakilala ang biktima na si Jonathan Costales, 22-anyos, isang magsasaka at residente sa lugar.


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Allacapan Police Station, nagulat na lamang ang lolo ng biktima na nakabitin ang katawan ng kanyang apo malapit sa gubat gamit ang isang nylon rope na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Matatandaan na pasado 9:00 ng gabi nitong miyerkules, May 20, 2020 ay nagkaroon ng kasiyahan sa pag-inom ng alak kasama ang pinsan ng biktima.

Ilang sandal pa ay umalis sa bahay ang biktima at natagpuan ang wala ng buhay na katawan nito kinabukasan.

Kinumpirma naman ng pulisya na walang foul play sa insidente batay na rin sa pagsusuri ng doktor at pawang pagkasakal gamit ang nylon na dahilan ng pagkamatay nito.

Facebook Comments