Binata, patay matapos ma-hit and run sa Valenzuela City

Valenzuela City – Patay ang isang binata matapos ma-hit and run habang tumatawid sa pedestrian lane sa Valenzuela City.

Dead on the spot ang biktimang si Novie Macoco, 27-anyos ng Morang Street, Barangay Malinta ng nasabing lungsod.

Sa kuha ng CCTV sa lugar, makikita ang pagtawid ng biktima sa Mcarthur Highway, Encarnacion Street ng biglang sumulpot ang van na matuling ang takbo.


Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima at tumama ang ulo sa semento.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng may-ari ng puting van na nakalagay lang na plate number ay for dropping.

Facebook Comments