Binata, Patay matapos magbigti gamit ang Nylon Rope sa Tumauini, Isabela

17633

*Cauayan City, Isabela*- Patay ang isang binata matapos itong makitang nakabigti gamit ang isang nylon rope kaninang 5:15 ng madaling araw sa Brgy. San Pedro, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Rolly Malana, 21 anyos, walang trabaho at residente sa nasabing lugar.


Ayon sa imbestigasyon ng Tumauini Police Station, lumalabas na sabay-sabay na kumakain ng panggabihan ang biktima kasama ang kanyang nakatatandaang kapatid at ina at ilan saglit pa ay nagtungo ang biktima sa loob ng kanyang kwarto upang matulog.

Samantala, nakita na lamang ng pamangkin ng biktima na wala na itong buhay habang nakabitin sa kisame ng kanilang terrace gamit ang isang tali.

Inaalam naman ng pulisya ang dahilan ng pagpapakamtay ng nasabing biktima.

Sa ngayon ay ipinoproseso ng Crime Laboratory Office ang bangkay ng biktima.




Facebook Comments