Binata, Patay nang Maaksidente!

*Cauayan City, Isabela- *Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang binata matapos maaksidente pasado alas nuebe kagabi sa Brgy. Saranay, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Richard Aw-yang, 24 anyos, at residente ng Brgy. Luzon, Cabatuan, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), binabaybay ni Aw-yang ang lansangan patungong Cabatuan proper lulan ang minamanehong motorsiklo na may plakang BA 43857 at nang makarating sa pakurbang bahagi ng daan partikular sa intersection ng Saranay -Sampaloc ay nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima at sumalpok sa kongkretong pader.


Nagtamo ng pinsala sa ulo at katawan ang biktima dahil sa tindi ng pagkakasalpok nito.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklara din itong dead on arrival.

Facebook Comments