Binata, patay nang mabangga sakay ng hinihinalang nakaw na kotse

499
(Image from Western Mail)

Nasawi ang isang 14-anyos na lalaki matapos itong mabangga sakay ng hinihinalang nakaw na sasakyan habang hinahabol ng mga pulis sa Wigan, England.

Ayon sa report ng pulisya, nakasakay ang naturang lalaki sa Fiat 500 nang mabangga ito sa dalawang iba pang sasakyan sa kahabaan ng Ashton Road, Golborne bandang 1:25 ng hapon noong Biyernes.


Pinigilan umano ng mga pulis ang sasakyan bago pa man mangyari ang insidente.

Agad namang isinugod sa ospital ang lalaki kasama ang dalawa pa niyang sakay na pasahero ngunit naiulat ang pagkamatay nito, Sabado ng umaga.

Nagtamo ang isang 14-anyos samantalang nanatili naman sa ospital ang 15-anyos at nasa kritikal na kalagayan.

Ayon kay Sergeant Jon McColl ng Greater Manchester Police, “First and foremost, I would like to extend our deepest sympathies to the family of the boy who passed away this morning.”

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyari.

Facebook Comments

From Advertisers