Binata, Patay nang salpukin ng Trailer truck!

654

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki matapos salpukin ng Trailer truck pasado alas onse kahapon sa pambansang lansangan ng Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Larry Domingo, 21 anyos, binata at residente ng Brgy. Alicaocao, Cauayan City, Isabela habang ang suspek ay si Edito Lacorte Jr., 35 anyos, at residente naman ng Panipuan, San Fernando, Pampanga.

Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan, patungong west direction ang biktima habang patungong north direction naman ang suspek lulan ang minamanehong Trailer truck at nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay tumawid ang biktima lulan ang kanyang minamanehong motorsiklo.

Hindi umano napansin ng biktima ang paparating ng truck kaya’t nasalpok ito na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Dinala na sa himpilan ng PNP Cauayan ang suspek para sa kaukulang disposisyon maging ang nasangkot na behikulo habang inihahanda naman ng PNP ang kasong kakaharapin ni Lacorte Jr.

Facebook Comments