BINATA, PATAY SA PAMAMARIL SA ALAMINOS CITY

Patay ang isang kwarentay otso anyos na binata sa Lungsod ng Alaminos matapos itong pagbabarilin.
Ang biktima ay nakilalang si Jerry Lazo residente ng Brgy. Palamis sa nasabing Lungsod.
Ayon sa imbestigasyon, pauwi ng kanilang bahay ang biktima pasado alas kwatro ng Hapon ng ito ay pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek na agad na tumakas.

Sinubukan pa itong isugod sa pagamutan subalit idineklarang Dead on Arrival.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa posibleng motibo ng pamamaril at maging pagkakakilanlan ng suspek. |ifmnews
Facebook Comments