Binata, Pinagtataga ng isang Ginang sa Cagayan

21

Cauayan City, Isabela-Nagpapagaling sa isang ospital ang biktima ng pananaga ng isang ginang bandang 10:45 kagabi sa Sitio Marariji, Brgy. Baliuag, Peñablanca, Cagayan


Kinilala ang biktima na si Melvin Bayubay, 25-anyos, binata habang ang suspek ay nakilalang si Grace Calimag, 35-anyos, may-asawa at kapwa residente ng Brgy. Parabba Peñablanca, Cagayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Peñablanca Police Station, bandang 11:20 ng umaga kahapon, Hunyo 26 ng magtungo sa himpilan ng pulisya ang ina ng biktima para ipagbigay-alam na batay sa kanyang anak ay hiniram ng suspek ang alagang kabayo para sana sa pagbiyahe ng mga sako-saking mais para ipagiling kung saan pumayag ang biktima.

Pasado 9:45 kagabi, ang biktima ay nagtungo sa bahay ng nagngangalang Marita Ballad habang hinihintay nito ang suspek. Ilang saglit pa ng dumating ang suspek at hinihinalang nakainom kasama ang nagngangalang Ermundo Ballad Jr. at Richard Tamon para humigop ng mainit na kape.

Bandang 10:45 kagabi, minabuting ihatid ng biktima ang suspek patungo sa bahay nito subalit ng makarating malapit sa bahay ng nagngangalang Marita at ilang sandali pa ng ibaba ng biktima ang mga bagahe ng suspek mula sa kanyang alagang kabayo ay agad na binunot ng suspek ang dala-dalang bolo at walang habas na pinagtataga ang biktima sa harap ng kanyang mister.

Nagsisigaw ang biktima para humingi ng saklolo at ng marinig ni Ermundo ang sigaw ay agad itong lumabas ng bahay at tumambad ang ginagawang pananaga ng suspek sa likurang bahagi ng katawan ng biktima.

Agad namang tumakas ang suspek kasama ang kanyang mister at tila parang walang nangyari.




Patuloy naman na pinaghahanap ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong Frustrated Homicide.

Facebook Comments