Binata sa Alicia Isabela, Huli matapos masamsaman ng Marijuana!

40

*Alicia, Isabela-* Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang binata matapos masamsaman ng marijuana sa brgy Mabini, Alicia, Isabela.

Kinilala ang nahuli na si Michael Paringit, 20 anyos, electrician at residente mng naturang barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nakumpiska mula kay Paringit ang dalawang sachet na naglalaman ng mga tuyong dahon ng marijuana matapos magsagawa ng anti-illegal drugs operation ang mga kasapi ng PNP Alicia.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang nakumpiskang marijuana para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda na ng PNP ang kasong kakaharapin ni Michael Paringit.

Facebook Comments