BINATA SA BAYAMBANG, ARESTADO SA KASONG PAGNANAKAW

Naaresto ng mga tauhan ng Bayambang Municipal Police Station ang isang 20-anyos na lalaki sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong theft o pagnanakaw sa ilalim ng Article 308 ng Revised Penal Code.

Isinagawa ang pag-aresto bandang alas-2:30 ng hapon kahapon, Nobyembre 5, matapos mailabas ang kautusan ng korte noong Nobyembre 4.

May itinakdang piyansang ₱8,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Bayambang Police ang suspek para sa karampatang disposisyon.

Facebook Comments