Binata sa Cauayan City na Dating May Kaso sa Droga, Muling Nakumpiskahan!

Cauayan City, Isabela – Muling nakumpiskahan kaninang umaga ng ipinagbabawal na marijuana ang isang binata na dati nang may kaso sa droga sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusadong si Lloyd Baquiran Mariano, labing siyam na taong gulang, walang trabaho at residente ng Brgy. District 3, Cauayan City, Isabela.

Ang pagkakaaresto ni Mariano ay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bernabe B. Mendoza ng RTC Branch 23 dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act.


Habang isinisilbi ang warrant of arrest ni Mariano ay muling nakumpiskahan sa pag-iingat nito ng isang transparent ziplock plastic na naglalaman ng pinatuyong marijuana na nagkakahalaga ng Php770,000.00.

Sinaksihan ni Brgy. Kagawad Leonardo Adam at representative ng DOJ ang inventory at dokumentasyon ng mga nakuha kay Mariano.

Sa ngayon ay nasa himpilan na PNP Cauayan City si Lloyd Baquiran Mariano habang inihahandang isampa ang muling kaso nito.

Facebook Comments