Binata sa Echague, Isabela, Timbog sa kasong paglabag sa RA 9165!

117

Echague, Isabela- Arestado ang isang binata sa kasong paglabag sa RA 9165 matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest nito pasado alas kwatro ng hapon sa Brgy. Busilelao, Echague, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Arjay Calica Peralta, bente dos anyos, walang asawa at residente ng nasabing Barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng PNP Echague si Peralta sa pangunguna ni Police Chief Inspector Andy P. Orilla sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Bonifacio T. Ong RTC Branch 24, Echague, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act.

Nasa kustodiya na ng PNP Echague ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

May inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Peralta na nagkakahalaga ng dalawang daang libong piso.

Facebook Comments