Binata sa lungsod ng Cauayan, Timbog sa kasong Panggagahasa!

Cauayan City, Isabela – Dinakip ang isang binata na may kinakaharap na kasong panggagahasa matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado ala una ng tanghali sa Brgy. Sta. Luciana, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Jaylord Eugenio Sinngo, bente uno anyos, walang asawa at residente ng nabanggit na barangay.

Inaresto ng mga kasapi ng PNP Cauayan City sa pangunguna ni PSI Esem Galiza si Sinngo matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si Hukom Ariel M. Palce ng RTC Branch 40, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong Attempted Rape.


Samantala, dinala na sa himpilan ng Cauayan City Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon habang walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments