Binata sa Naguilian, Isabela, Arestado sa Kasong Child Abuse!

*Naguilian, Isabela-* Huli ang isang binata na wanted sa batas matapos silbihan ng warrant of arrest sa Brgy. Quimalabasa, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Jericho Magaoay, 18 anyos, residente ng Brgy Quimalabasa, Naguilian, Isabela.

Inaresto si Magaoay sa bisa ng mandamiento de aresto na inihain ni judge Isaac De Alban ng RTC Branch 16, Ilagan City, Isabela dahil sa kasong Paglabag sa RA 7610 (Special protection of Children against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act).


Pansamantalang makakalaya si Magaoay kung makakapagpiyansa ng halagang P80,000.00.

Dinala na sa PNP Naguilian ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Facebook Comments