BINATA SA POZORRUBIO, NAGBIGTI MATAPOS UMANONG IWAN NG KANYANG KASINTAHAN

3865

POZORRUBIO, PANGASINAN – “PAALAM” – Huling salitang natanggap ng kaanak mula sa text message ng isang 21-anyos na binata matapos itong magbigti sa Brgy. Maambal, bayan ng Pozorrubio nito lamang araw ng Undas, ika-1 ng Nobyembre.

Nakilala ang biktima na isang empleyado ng manukan sa kanilang Barangay at residente ng Brgy. Malokiat kung saan pasado alas-5 ng madaling araw nang matagpuan itong wala ng buhay at ayon naman sa naging panayam ng iFM Dagupan at ng PRO1 sa Pozorrubio Police, una umanong natuklasan ng katrabaho nito na ang katawan ng biktima ay nakabitin na sa stockroom ng poultry gamit ang isang nylon rope at wala ng buhay.

Agad namang ipinagbigay alam ang insidente sa awtoridad upang magsiyasat sa pangyayari kung saan ayon sa imbestigador ng krimen na si IOC – PSSg Rowel Orbe ay bago pa man mangyari ang insidente, napag-alamang nagkaroon pa umano ng inuman kasama ang kanyang mga katrabaho bago magduty at napansin pang mayroon umano itong itinatagong tali sa bag ng biktima ngunit hindi na ito pinansin.


Samantala, ayon naman sa kapamilya ng biktima ay nakakaranas umano ito ng depresyon dahil sa paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend.

Pinatunayan naman umano ng kanyang nakakatandang kapatid na kuya na mayroong ikinukwento ang biktima tungkol sa kanyang problema sa  kasintahan. ###

Facebook Comments