Binata sa Ramon, Isabela, Dinakip dahil sa kasong RIR in Double Homicide!

*Ramon, Isabela- *Nahaharap ngayon sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) in Double Homicide, Serious Physical Injury and Damage to Property ang isang binata matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa brgy. General Aguinaldo, Ramon, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Diosdado Manuel Galinato, 22 anyos, binata, isang truck helper at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto ng PNP Ramon si Galinato sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Fe Viray-Albano ng 10th MCTC Roxas-Quirino, Isabela ng 2nd Judicial Region, Roxas, Isabela dahil sa kinakaharap nitong kaso.


Pansamantalang makakalaya si Galinato kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang nagkakahalaga ng tatlumpung libong piso (30,000.00).

Facebook Comments