Binata sa Roxas Isabela, Arestado sa Pagnanakaw ng Cellphone!

Roxas, Isabela – Bagsak sa kulungan kagabi ang isang binata matapos na inireklamo sa pagnanakaw ng cellphone sa Brgy. Bantug, Roxas, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Adan Ramos, dalawampu’t isang taong gulang, binata at residente ng Brgy. Caliguian, Burgos, Isabela, samantala ang may-ari ng mamahaling cellphone ay si Charlene Mae Rosqueta Valdez, dalawampu’t tatlong taong gulang, dalaga, 2nd. Yr college at residente ng nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ng PNP Roxas, napag-alaman na katatapos lamang umano na naglinis ng boarding house ang biktima at iniwan ang kanyang mamahaling cellphone na naka-charge malapit sa bintana.


Nakita at nahuli umano ng biktima ang suspek na kinukuha ang kanyang cellphone na kaagad naman umanong sumigaw ng tulong kung saan ay tumawag ng pulis ang mga kasamahan ng biktima.

Kaaagad na nagresponde ang mga pulis na kasalukuyang nagpapatrolya sa nasabing lugar at matagumpay na nahuli ang suspek kung saan ay nakuha sa pag-iingat nito ang cellphone at charger ng biktima.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments