Binata sa San Mariano Isabela, Patay Matapos Magbigti!

*San Mariano, Isabela* – Patay ang isang lalaki matapos magpatiwakal pasado alas tres kaninang madaling araw sa Purok 3, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Enrique Josue Jr., dalawampu’t dalawang taong gulang, walang asawa, manggagawa at residente ng nasabing lugar.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan sa PNP San Mariano, nakita umano ng ama ng biktima na nakabitin na ito sa isang puno ng mangga, isang metro ang layo mula sa kanilang bahay.


Ayon pa sa imbestigasyon ng kapulisan, Nakipag-inuman pa ang biktima sa kanyang kaibigan sa isang tindahan pasado alas nuwebe kagabi bago mangyari ang nasabing insidente.

Nasa isang punerarya na sa Benito Soliven si Josue Jr. para isailalim sa Autopsy.

Samantala, kasalukuyan namang inaalam ng PNP San Mariano ang mga anggulo na pwedeng dahilan sa pagpapakamatay ng biktima.

Facebook Comments