Binata sa Santiago City, Arestado sa Buy Bust Operation!

42

Santiago City- Arestado ang isang lalaki matapos itong masamsaman ng Iligal na droga sa isinagawang drug buy bust operation sa Brgy. Centro East, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si Edward Earl Ambatali, 21 anyos, walang asawa, at residente sa naturang lugar.


Batay sa report ay napag-alaman ng mga otoridad ang iligal na gawain ni Ambatali kayat agad na nagsagawa ng operasyon kontra iligal na droga ang kapulisan.

Nakuha naman mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ng limang daang piso na ginamit bilang buy bust money.

Agad namang dinala sa kustudiya ng Santiago City Police Station 2 ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments

From Advertisers