Binata sa Santiago City, Isabela, Timbog sa Pagtutulak ng Droga!

95

*Santiago City, Isabela-* Nahaharap ngayon sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang lalaki matapos itong matiklo kagabi sa ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Luminao st., Brgy Villasis, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Tristan Andres Ruma, 20 anyos, binata at residente ng brgy. Victory Norte, Santiago City, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, natimbog si Ruma matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad kung saan binentahan nito ang isang police poseur buyer ng dalawang sachet ng tuyong dahon ng ‘marijuana’ sa halagang limang daang piso (500.00).

Nasa kustodiya na ng Santiago City Police Station ang newly identified drug suspek na mahaharap sa kanyang kaukulang kaso.

Facebook Comments