Binata sa Tugeugarao City, Nagpakamatay Matapos Iwanan ng Live-in Partner!

Tuguegarao City, Cagayan – Nagpatiwakal ang isang binata matapos iwanan ng live-in partner sa Adduru Street, Linao East, Tuguegarao City kamakailan.

Ayon kay PO2 Jeffrey Maggay, Investigator ng PNP Tugeugarao City, kinilala ang nagpakamatay na si Jerome Arellano, labing siyam na taong gulang at residente ng nasabing lugar.

Aniya nakita ng kapatid ng biktima na si Jessa Arellano na nagpakamatay ang biktima sa sala ng kanilang bahay gamit ang lubid.


Ayon umano kay Jessa, unang nagkaroon ng pag-aaway sina Jerome at kinakasama na si Relie Joy Lingan na nagpasyang umuwi sa kanilang lugar sa Kabugao pagkatapos ng kanilang pagtatalo.

Dahil dito ay naglasing umano ang biktima kasama ang mga kaibigan at umuwi sa kanilang bahay ngunit kinabukasan ay nakita nang nagpakatay na ito.

Kasalukuyan parin ang ginagawang imbestigasyon ng PNP Tuguegarao City hinggil sa nasabing pangyayari.

Samantala may naganap na umano noon na pagpapakamatay  ni Jerome  ngunit naagapan lamang ito ng kaniyang mga kamag-anak.

Facebook Comments