BINATA SA URBIZTONDO, PATAY MATAPOS NAGBIGTI SA WAITING SHED

Patay ang isang trentay sais anyos na binata matapos itong magbigti sa waiting shed sa kanilang lugar sa bayan ng Urbiztondo.
Ang biktima ay nakitang nakabigti sa waiting shed sa kanilang lugar pasado alas singko ng madaling araw.
Ayon sa mga nakasaksi dito, nakita pa itong sumasayaw sayaw sa basketball court sa kanilang lugar bago itong nakitang nakabigti.

Ayon sa Pamilya ng biktima , ilang beses na umano nitong nagtangkang magpakamatay kung saan ay dumaranas ito ng problema sa pag iisip. |ifmnews
Facebook Comments