Patong Patong na kaso ngayon ang kinakaharap ng isang trentay singko anyos na binata matapos tangkaing mangholdap ng dalawang estudyante gamit ang isang Gun Replica ng Caliber 45.
Ang suspek ay nakilalang si Herico Lasiste residente ng bayan ng Binalonan.
Ayon sa imbestigasyon, pasado alas Sais ng umaga ng lapitan umano ng suspek ang mga biktima na nakilalang sina Jhon Llanos at Andrea Pillarina sabay ng pagdedeklara ng holdap matapos magpakita ng isang baril.
Nakatakbo ang mga estudyante at dali daling nagsumbong sa PNp Station ng Urdaneta at agad na tinungo ang lugar ng insidente.
Dito positibong kinilala ng mga biktima ang suspek at agad itong inaresto kung saan ay nakuhanan ito ng isang Gun Replica ng Caliber 45 na kasali sa mga ipinagbabawal ngayong Gun Ban. |ifmnews
Facebook Comments