Binata, Sinaksak ng Sariling Kuya; Patay!

*Cabagan, Isabela-* Patay ang isang binata matapos saksakin ng sariling kapatid sa Sitio Sagadraca, Brgy. Magassi, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang mag-utol na sina Jefferson Sagadraca, 20 anyos at Joel Sagadraca, 24 anyos, kapwa magsasaka at nakatira sa Sitio Sagadraca, Brgy. Magassi, Cabagan, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, ganap na alas singko ng hapon, May 26, 2019 habang nag-iinuman sa kubo sa Brgy. Magassi, Cabagan ang magkapatid kasama ang ilang mga kamag-anak nang biglang magtalo ang dalawa dala na rin ng kalasingan.


Naawat naman ng mga pinsan ang mag-utol subalit nang kalaunay bumalik ang kuya ng biktima na may dalang kutsilyo at agad na isinaksak sa dibdib ng kanyang nakababatang kapatid na noon ay natutulog nang maganap ang nasabing krimen.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Sa ngayoy ay patuloy na tinutugis ng mga alagad ng batas ang kanyang kapatid na suspek na tumakas matapos ang insidente.

Facebook Comments