Binata sinaksak sa sayawan patay sa Arakan North Cotabato

Dalawang lalaki ang nagsaksakan sa isang pasayawan kung saan isa ang patay pasado alas onse Lunes ng gabi sa Brgy Kabalantian sa bayan ng Arakan, sa lalawigan ng North Cotabato.
Kinilala ang binawian ng buhay na si Elmer Usman Rimadabia, 19 anyos, binata, estudyante , residente ng Brgy Sigundanon, sa bayan ng Kitao-tao, sa lalawigan ng Bukidnon habang ang suspek ay kinilalang si Albert Bernabe.
Sa report ng Arakan PNP, sumasayaw ang biktima kasama ang dalawa nitong pinsan at dito ay aksidenteng nasagi ng suspek ang biktima dahilan para komprontahin si Bernabe na nauwi sa mainitang pagtatalo.
Sinuntok umano ng biktima ang suspek dahilan para siyay gantihan at saksakin na nagsanhi ng kanyang pagkasawi. Hinuli nman ang suspect na si Bernabe na ngayon ay nakakulong sa Arakan Pnp lock up cell.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments