Binata, Sugatan Matapos Maputukan ng Kwitis!

Cauayan City, Isabela- Sugatan ang isang binata matapos maputukan sa sinindihang kwitis sa kanilang bakuran.

Nakilala ang kauna-unahang naitala ng pulisya na biktima ng paputok na si Edwin Baccay, 23-anyos na residente ng Brgy. Plaridel, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa presinto dos ng Santiago City Police Office (SCPO), dakong 9:15 ng umaga noong December 21 ng taong kasalukuyan nang mangyari ang insidente ngunit kahapon lamang iniulat sa himpilan ng pulisya.


Sinindihan umano ni Baccay ang nasabing paputok ngunit nang magliyab ito ay napaso ang ilang bahagi ng kanyang katawan.

Agad na dinala sa pagamutan ang biktima upang malapatan ng lunas.

Dahil dito, lalo pang pinaigting ng kapulisan ang pagbabantay sa kanilang nasasakupan upang maiwasan ang naturang insidente at anumang krimen na posibleng mangyari.

Facebook Comments