Timbog ang 22 anyos na lalaki, na tukoy bilang isa sa most wanted person sa buong Region I matapos ang ikinasang operasyon ng Rosales Municipal Police Station.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay Deputy Chief-of-Police PCpt. Eugene Romma Navalta, dalawang bilang ng kaso ng Statutory Rape ang kahaharapin nito, matapos magsampa ng reklamo ang biktima at pamilya nito.
Sa imbestigasyon ng awtoridad, taong 2020 at sinundan pa noong 2024 ang panghahalay sa kaanak mismo nitong menor de edad.
Ayon kay Navalta, nauna nang naaresto ang kapatid na lalaki ng suspek na nahaharap din sa pang-aabusong sekswal, sa parehong biktima.
Samantala, walang inirekomendang pyansa ang kaso ng suspek at nasa kustodiya na ito ng pulisya para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









