Binata, Timbog matapos Bentahan ng Droga ang isang Pulis

*Cauayan City, Isabela*- Timbog sa ikinasang drug buy-bust operation ng pulisya ang isang binata pasado 2:40 ng hapon kanina sa Brgy. San Andres, Ilagan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Marlon Beran, 27 anyos at kasalukuyang tumutuloy sa Brgy. Sta. Barbara sa nasabing lungsod pero tubong Brgy. Libag, Tuguegarao City, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Ilagan City, dinakip ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng NBI at PDEA Region 2 na nagresulta ng pagkakaaresto sa binata matapos nitong mapagbentahan ng droga ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.


Nakumpiska sa pag iingat ng suspek ang ttalong pakete na naglalaman ng shabu, P1,000.00 na buy bust money at isang cellpone na posibleng ginagamit sa iligal na transaksyon ng suspek.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nasa kustodiya ng pulisya.

Facebook Comments