BINATA TIMBOG, SA KASONG STATUTORY RAPE

Cauayan City – Himas rehas ngayon ang isang top 1 most wanted person sa provincial level dahil sa kaso nitong limang (5) bilang ng Statutory Rape sa isinagawang operasyon ng awtoridad sa Sta. Ana Cagayan.

Kinilala ang suspek na si alyas “John”, 22 anyos, binata, isang construction worker at residente ng Sta. Ana Cagayan.

Naaresto ang suspek sa ikinasang operasyon ng Sta. Ana Police Station kasama ang 4th Mobile Force Platoon 2nd Cagayan Mobile Force Company.


Ang pagkadakip ng suspek ay dahil sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ramses Serna Peralta, Presiding Judge, Regional Trial Court Second Judicial Branch 7, Aparri, Cagayan kung saan walang inirekomendang piyansa.

Ayon sa batas, ang pakikipagtalik sa mga batang may edad na 16 taong gulang pababa ay maituturing na statutory rape anuman ang kanyang kasarian.

Sa ngayon nasa pangangalaga na ng Sta. Ana Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments