Binata, Timbog sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

22

Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang binata sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad bandang 10:45 kagabi sa Brgy. Dodan, Aparri, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Joselito Clemente (SLI Data Base), 24-anyos, isang driver at residente ng Brgy. Maura sa nasabing bayan.


Lumalabas sa imbestigasyon ng Aparri Police Station, dinakip ang suspek matapos magbenta ng isang (1) pakete ng hinihinalang shabu kapalit ang P500 sa isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska sa pag-iingat nito ang droga at isang motorsiklo.

Nabatid na dati ng sangkot sa robbery at carnapping ang suspek base sa kanyang pahayag ng tanungin ng mga operatiba.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Facebook Comments