Binata, Timbog sa Pagtutulak ng Iligal na Droga

*Cauayan City, Isabela*- Huli ang isang binatilyo na tulak ng iligal na droga sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Sinsayon, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang suspek na itinago sa pangalang John, 16 anyos at tubong Malued, Dagupan City, Pangasinan at pansamantalang naninirahan sa Brgy. Centro West sa nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, matagal ng minamanmanan ng mga awtoridad ang binata dahil sa iligal nitong aktibidad may kaugnay sa droga.


Nakuha sa pag iingat ng binata ang isang pakete ng pinaniniwalaang shabu at P1,000.00 na marked money na ginamit ng nagpanggap na poseur buyer.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang binata.

Facebook Comments