Binatang bisita lamang sa isang bayan sa Pangasinan, hinataw ng dalawang lalaki, sugatan

Sugat sa ulo ang tinamo ng isang binatang bisita lamang sa bayan ng Laoac matapos itong hatawin ng dalawang kalalakihan.
Kinilala ang biktima na si Jayson Espidido y Miraflor, bente kwatro anyosat isang pintor at mula sa of Quezon City, Manila.
At ang mga suspek ay kinilalang sina Nisson Raras y Ramirez, bente otso anyos at si Eroz Ramirez y Abella, trentay dos anyos at parehong residente ng Brgy. Poblacion ng naturang bayan.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, kasama umano ng biktima ang kanyang pinsan patungong Gotohan ng bigla na lamang siyang hatawin sa ulo ni Nisson na noo’y nasa labas ng kanilang bahay at tinulungan pa umano ni Eroz.
Nagresulta ito ng sugat sa ulo ng biktima at dinala sa kaanak nito sa Baritao, Manaoag, Pangasinan para bigyang lunas.
Agad tumakas ang mga suspek ngunit kalaunay sumuko.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong kakaharapin ng mga suspek.

Facebook Comments