Binatang Motorista na Sumalpok sa Forward Truck sa Echague Isabela, Patay!

Echague, Isabela – Sumalpok kagabi ang motorsiklong minamaneho ng isang binata sa forward truck sa kahabaan ng Maharlika Highway ng Brgy. Maligaya, Echague, Isabela.

Sa impormasyong ibinahagi ng PNP Echague, kinilala ang biktima na si Luord John Baccay Acoba, labing walong taong gulang, binata at residente ng Brgy. Mabini, Santiago City, Isabela.

Samantala ang drivern ng Fuso Forward Truck ay si Romulo Somera Apalla, limampu’t walong taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Quezon, San Isidro, Isabela.


Sa insyal na imbestigasyon ng mga otoridad, papuntang Santiago City umano ang biktima at nang makalampas sa intersection ng Brgy. Buneg, Echague Isabela ay hindi napansin ni Acoba ang pagdating ng Forward truck sa kabila na nagsenyas umano ang helper ng truck sa mga sasakyang darating.

Sa lakas ng impak ng pagbangga ng motor sa kanang bahagi ng truck ay bumagsak ang biktima kung saan ay nagtamo ng matinding tama sa ulo at sa iba pang bahagi ng kanyang katawan.

Itinakbo ng Echague Rescue Team si Acoba at dinala sa pinakamalapit na pagamutan ngunit dead on arrival na ito.

Dinala naman sa himpilan ng pulisya ang suspek at ang dalawang sasakyan para sa karagdagang imbestigasyon at disposisyon.

Facebook Comments