Isang halimbawa ng katapatan ang ipinamalas ng 16 anyos na si Arman Ferrer mula sa bayan ng Sta. Barbara matapos niyang ibalik ang isang cellphone na napulot sa plaza ng kanilang bayan.
Hindi nagdalawang-isip si Ferrer na hanapin ang may-ari ng cellphone upang ito’y maibalik sa kabila ng katotohanan na sira ang sarili niyang cellphone.
Ipinakita niya pa rin ang tunay na diwa ng kabutihan at katapatan sa simpleng paraan.
Dahil sa kanyang ginawa, pinatawag siya ng alkalde upang personal na isauli ang cellphone sa tunay na may-ari at pasalamatan siya sa kanyang kabutihan.
Hindi naman makapaniwala si Ferrer nang abutan siya ng gantimpala ng alkalde ,bagama’t ayon sa kanya, hindi niya ito ginawa para sa anumang kapalit.
Ang ipinakita ni Ferrer naway maging inspirasyon sa marami, lalo na ng mga kabataan na manaig ang katapatan at malasakit sa kapwa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









