BINATANG NAGTANIM NG MARIJUANA SA KANILANG BAKURAN, ARESTADO SA BAYAN NG POZORRUBIO

289
Sa kulungan na magbabagong taon ang 26 anyos na binata dahil sa pagtatanim ng marijuana sa kanyang bakuran sa Brgy. Sugcong, Pozorrubio, Pangasinan.
Kinilala ang suspek na si Rodolfo Gatchalian Martinez alyas “Dolphy”.
Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ng Pozorrubio Police dahil sa natanggap nilang impormasyon na may pananim ang binata na marijuana.

Nagresulta sa pagkakumpiska ng tatlong piraso ng fully grown marijuana na nakatanim sa sako ng semento at nakatago sa kanilang bakuran kung saan may timbang itong limang gramo.
Dahil dito ay inaresto si Martinez at kakasuhan sa paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ifmnews
Facebook Comments