BINATANG NAHULING NAMBOBOSO SA LINGAYEN NAGBIGTI

417

LINGAYEN, PANGASINAN – Wala ng buhay nang matagpuan ang isang bente uno anyos na binata matapos itong magbigti sa Barangay Rosario sa bayan ng Lingayen.

Nakita ito pasado alas onse ng umaga ng kanyang mga magulang na nakabigti sa kanilang kisame gamit ang isang lubid.

Bago ang insidente ay nahuli umano ito sa akto na binobosohan nito ang kanilang kapitbahay na babae habang naliligo dahilan para pagsabihan ito ng kung anu-ano ng kanyang kapitbahay na babae rin.


Nakita pa ito na dala dala ang kanyang duyan na tali bago ito natagpuang nagpakamatay.

Sa ngayon, pinaglalamayan na ang bangkay ng binata.

Facebook Comments