Cauayan City – Puspusan ang ginagawang search and rescue operation ng kinauukulan sa binatang napaulat na inanod ng tubig kahapon, ika-12 ng Nobyembre.
Ayon sa ulat, ang biktima ay kinilalang si Romnick Gavino, 18-anyos.
Nagtungo umano ang biktima sa ilog upang mangolekta ng kahoy na naanod sa ilog at kasalukuyang lumalangoy upang manguha ng kahoy, naanod umano ito ng rumaragasang agos ng tubig.
Sinubukan pang saklolohan ng mga kasamahan nito ang biktima sa pamamagitan ng paghagis ng lubid subalit nabigo ang mga ito hanggang sa tuluyan ng tangayin ng malakas na agos ang biktima.
Samantala, patuloy naman ang ginagawang boat patrolling ng Amulung Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office kasama ang kapulisan upang mahanap ang biktima.