Binatang nasaksak, nabangga ng bus habang naglalakad patungong ospital

1268

CROYDON, South London – Agad na naisugod sa ospital ang dalawang binatang nabangga ng bus sa kahabaan ng St James Road noong Lunes, Enero 6.


Sa ulat ng mga pulis, bandang 12:44 am nang makatanggap sila ng tawag mula sa pinangyarihan ng insidente kung saan naabutan nila ang dalawa habang nasa malubhang kalagayan.

Noo’y papunta raw sana ng ospital ang mga binata matapos magtamo ng saksak sa binti ang isa sa mga biktima nang bigla silang maaksidente.

Sa pahayag ng spokesman ng pulisya, kasalukuyan nang nasa ospital ang dalawa habang hinihintay nila ang detalye tungkol sa kanilang kundisyon.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa nangyari at pansamantala ring ipinasara ang naturang kalye.

Wala ring kahit anong pagdakip ang nangyari ayon sa pulisya.

Facebook Comments