BINATANG NILUNOK ANG ISANG SACHET NG SHABU SA CALASIAO, ARESTADO MATAPOS MABULUNAN

39
Sa kulungan ang bagsak ng isang binata matapos mahulian ng iligal na droga sa Brgy Lasip, Calasiao, Pangasinan.
Nakilala siya na si Arjay Mamaril, 25 anyos at isang tricycle driver.
Una rito, nagpapatrolya sa lugar ang ilang miyembro ng Calasiao MPS nang matyempuhan nila ang suspek na nakasuot ng official PNP ballcap.

Kanila itong nilapitan at kinausap ngunit hindi siya umiimik.
Makalipas ang ilang sandali ay bigla na lamang nabulunan si Mamaril at kanyang iniluwa ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Nalaman din na hindi miyembro ng PNP ang suspek kung kayat sasampahan siya ng kasong paglabag sa Art 179 of RPC at violation of RA 9165.| ifmnews
Facebook Comments