BINATANG SANGKOT SA ILEGAL NA DROGA, ISINUPLONG NG SARILING INA

Pinagbantaan ng anak na lalaki na papatayin nito ang sariling ina dahilan upang sumangguni agad sa pulisya ang nanay ng isang binatang gumagamit ng ilegal na droga sa Malasiqui, Pangasinan.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Malasiqui Police Station, Investigator PCO, PCpt. Jeremias Ramos Jr., bago ang pagsumbong, nag-away ang mag-ina na humantong sa pananakit ng anak sa ina nito.

Ang dahilan, pinatitigil na ng kanyang ina ang anak sa paggamit ng ilegal na droga.

Nirespondehan ang insidente at nakumpiska mula sa lalaki ang 0.7 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng nasa P4000.

Kahaharapin ng suspek ang kasong Physical Injury na may kasamang Death Threat, at paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments