BINATANG TOP 1 MOST WANTED PERSON SA AGUILAR, TIMBOG

Nasakote ng awtoridad ang tukoy na Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng Aguilar sa ikinasang operation sa Brgy. Bogaoan, San Carlos City.

Sa panayam kay Aguilar Police Station Officer-in-Charge PMaj. Mark Ryan Taminaya, nahaharap ito sa kasong Acts of Lasciviousness na may kaugnayan sa Republic Act 7610 na kung saan menor de edad ang naging biktima nito.

Nakilala ang suspek na isang 21 anyos, at residente ng San Carlos City.

Nasa kostudiya na ito ng pulisya habang mayroong P200, 000 na pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Paalala ni Taminaya sa publiko ang pagsunod sa batas. Aniya, mahuhuli at mapapanagot sa batas ang sinumang mapatunayang gumagawa ng kriminalidad o masasamang gawain. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments