BINATI | 10-year old Fil-Am Swimmer, binati ni US Swimming champion Michael Phelps

Nagpaabot ng pagbati ang U.S. Swimming champion na si Michael Phelps sa 10-taong gulang na Fil-Am Swimmer na si Clark Kent Apuada.

Ito ay matapos na mabura ni Apuada ang 23 taong record ni Phelps sa 100 meters butterfly kung saan nakapagtala siya ng 1:09:38 na oras mas mabilis sa 1:09:48 na naitala ni Phelps noong 1995.

Si Apuada ay nagwagi sa 2018 long course meters sa Far Western International Age Group Championship.


Bukod sa record, pitong gintong medalya rin ang nakuha ng Fil-Am swimmer na tinagurian ngayon bilang “superman”.

Tatlong taong gulang lang si Apuada nang mag-aral siyang lumangoy at nagsimulang sumali sa mga kompetisyon sa edad na 7.

Facebook Comments