BINATI | House Speaker Pantaleon Alvarez, nagpaabot ng pagbati kay bagong Senate President Tito Sotto

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pagbati si House Speaker Pantaleon Alvarez kay Senador Tito Sotto na itinalaga bilang bagong senate president.

Ayon kay Alvarez, kumbinsido siyang mas tatatag ang kooperasyon ng senado at kamara lalo na sa pagpasa ng mga batas.

Bagama’t tinawag niya dati na ‘mabagal na kapulungan’ ang senado, nanawagan si Alvarez sa mga senador na ipasa ang mga mahahalagang panukala na kabilang sa legislative agenda ng Duterte Administration.
Si Sotto ay miyembro ng Nationalist People’s Coalition na pumalit kay Senador Koko Pimentel na presidente ng PDP-Laban.


Facebook Comments