Binigyang linaw ni Pangasinan 2nd District Representative Mark Cojuangco ang pahayag nito na umani ng batikos at pagkadismaya sa publiko hinggil sa mga residenteng nasalanta ng Bagyong Tino.
Sa naturang pahayag, tinawag siyang “insensitive” at “out of touch,” sa paniniwalang hindi nito nauunawaan ang kalagayan ng mga mahihirap na walang kakayahang manirahan sa mas ligtas na lugar.
Kasunod ng mga puna,sinabi ni Cojuangco na layunin ng kanyang komento na hikayatin ang masusing pagsusuri sa mga pagkukulang sa urban planning upang maiwasan ang pag-uulit ng ganitong trahedya.
Dagdag niya, kasalukuyan silang nakikipagtulungan sa mga lokal na opisyal at inhinyero para mapabuti ang mga pamantayan sa konstruksyon ng mga imprastraktura at mapaigting ang paghahanda ng mga komunidad laban sa mga darating pang kalamidad.
Matatandaan na nagmula sa isang viral video na nagpapakita ng mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa matinding pagbaha, nagkomento ang mambabatas sa paraang ikinagalit ng marami, dahil tila sinisisi umano nito ang mga nakatira sa mga mabababang lugar.
Sa huli, iginiit ng opisyal na nakikiramay ito sa sinapit ng mga biktima ng mga nagdaang bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









