BINATIKOS | Pahayag ni Sotto na ‘pabirong panghihipo’, inulan ng batikos

Manila, Philippines – Muling nabatikos online si Senate President Tito Sotto III dahil sa kanyang pananaw sa tinawag niyang ‘pabirong panghihipo’.

Sa senate session noong Miyerkules para sa panukalang Safe Street and Public Places Act, iginiit ni Sotto na posible itong maabuso kapag naisabatas.

Ginawang halimbawa ni Sotto ang tungkol sa panghihipo.


Para kasi sa Senate President, hindi dapat ito maparusahan kung pabiro lang ginawa.

Hindi ito nagustuhan ni Senadora Risa Hontiveros na siyang may-akda ng panukala.

Matatandaang inulan din ng batikos si Sotto matapos magbirong ‘na-ano lang’ ang mga single mother kasabay ng pagsalang sa Commission on Appointments ni dating Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo.

Facebook Comments