Binatilyo binaril ng riding in tandem sa Arakan North Cotabato

Isang binatilyo ang biktima ng pamamaril kagabi sa bayan ng Arakan sa lalawigan ng Cotabato .
Nangyari ang pamamatil dakong alas 6 :30 sa sitio Crossing Tumanding, Brgy. Sto. NiƱo, Arakan.
Kinilala ang biktima na si Ranmar Sebial Venezuela, 18 anyos ,magsasaka residente ng Bgry. Sto. Nino sa nasabing bayan.
Naglalakad papauwi ang biktima sa kanyang tahanan ng barilin ng hindi kilalang suspect gamit ang hindi pa matukoy na uri ng baril. Sa tagiliran ang tama ng biktima.
Mabilis namang tumakas ang hindi nakikilalang mga salarin sakay ng motorsiklo habang ang biktima ay unang isinugod sa Rural Health Unit sa bayan ng Arakan bago inilipat sa Antipas Medical Specialist para mabigyan ng kaukulang lunas.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments