Kinilala ang biktima na isang 13 anyos na binatilyo residente sa bayan.
Ayon sa ulat ng pulisya, nagbibisikleta papuntang Manaoag ang biktima kasama ang dalawa pa nitong kaibigan nang bigla itong mawalan ng kontrol.
Dahil dito, aksidenteng nabangga ang biktima at nagulungan pa ng paparating na SUV.
Agad naitakbo sa pagamutan ang biktima na Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.
Ayon kay San Jacinto Municipal Police Station Deputy Chief, PCapt. Sherwin Sinang Jr., patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad.
Samantala, naghain na ng affidavit na hindi na maghahain ng kaso ang pamilya ng biktima at nagpasyang makipag-areglo sa driver ng SUV matapos ang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










