Binatilyo, hinuli dahil sa panghahalay sa 30-anyos na babae sa Parañaque

1856

Inaresto ang 17-anyos na lalaki matapos nitong halayin ang 31-anyos na babaeng nakainuman niya sa isang barangay sa Parañaque City nitong Lunes ng madaling araw.

Sa salaysay ng biktima, nagkaroon ng inuman sa kapitbahay at kasama raw doon ang suspek at ang isa nitong kaibigan na nasa edad 20.


Matapos umanong makipag-inuman, umakyat siya sa itaas para matulog sa kwarto nang magising kalaunan at makita ang sarili habang hinahalay ng binatilyo.

Dahil dito ay agad daw tumakas ang suspek kasama ang kasamang kaibigan ngunit nahuli rin sa tulong ng CCTV footage.

Sa ulat ni deputy officer Franco Salamat ng Barangay BF Homes, natunton nag kinaroroonan ng suspek sa bahay mismo ng kanyang kaibigan.

Nang makaharap ang mga pulis at ang biktima ay itinanggi nito ang ginawang panghahalay.




Ani suspek, ang biktima raw ang nag-alok na makipagtalik sa kanya noong mangyari ang insidente.

Mariin ding itinanggi ng kaibigan nito na kasabwat siya sa ginawang krimen ng bintilyo.

Samantala, tuloy ang biktima sa pagsampa ng kaso sa dalawa at maaaring maharap sa kasong “rape” ang suspek kahit na pa isa raw itong menor de edad.

Patuloy namang pinag-aaralan ang pwedeng ikaso sa kaibigan nito.

Facebook Comments