Binatilyo, Huli sa Buy Bust!

89

Ilagan City, Isabela- Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o
Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa isang lalaking naaktuhan sa
pagbebenta ng marijuana sa Brgy. Alibagu, City of Ilagan.

Kinilala ang suspek Russel Bauit, 18 anyos, walang asawa at residente ng
Brgy. Sipay, City of Ilagan.


Batay sa report na nakalap ng RMN Cauayan News Team, naaresto ang biktima
matapos magsagawa ng buy bus operation ang PDEA at Ilagan City Police
Station.

Samantala, nakumpiska naman mula sa pag-iingat ni Bauit ang apat na
pirasong nakatuping papel na naglalaman ng hinihinalang marijuana, limang
piraso ng isang daang piso (P 500) na ginamit bilang buy bust money at
isang unit ng cellular phone.

Agad namang dinala si Bauit sa Gov. Faustino N Dy Sr. Memorial Hospital at
sa Isabela Crime Laborotory Office dala ang mga nakumpiskang ebidensya para
isailalim sa pag-susuri.

PDEA, PNP Ilagan, PNP Ilagan Valley Cops.




Facebook Comments